SC, pinagtibay ang preventive suspension kay Alan Purisima

Pinagtibay ng Korte Suprema ang pagpapataw ng Office of the Ombudsman ng preventive suspension sa ilang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Sa desisyon na inilabas ni Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, pinagtibay ng kataas-taasang hukuman ang anim na buwang preventive suspension na walang sahod na ipinataw noong 2014 kay dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima.

Ito’y may kaugnayan sa umano’y maanomalyang kontrata na pinasok ng PNP sa isang courier service noong 2011.

Ayon sa Supreme Court, umaksyon ang Ombudsman nang naaayon sa kaniyang kapangyarihan, at na mayroon siyang otorisasyon para magpataw ng preventive suspension order kung ito ay nararapat.

Nakasaad pa dito na nakakita ang Ombudsman ng evidence of guilt laban kay Purisima, na sapat na para isailalim siya sa preventive suspension.

Hindi anila ito nabahiran ng grave abuse of discretion base na rin sa mga supporting documentary evidence.

Nilinaw rin ng korte na hindi inalisan ng Ombudsman si Purisima ng karapatan para sa due process at hindi rin ito prejudged.

Read more...