Duterte, pananagutin ang mga Lopez sa mga unpaid loans nito sa DBP

Pananagutin ni Pangulong Duterte ang Lopez Holdings Corporation at anim na iba pang kumpanya sa mga utang nito sa Development Bank of the Philippines.

Ito ay ipinahayag ng pangulo sa isang talumpati sa selebrasyon ng ika-23 anibersaryo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Taguig.

Ayon sa pangulo, ginamit ng mga kumpanyang ito ang pera ng mga tao para patakbuhin ang kanilang mga negosyo ngunit sila lang ang nakinabang sa kita.

Hahabulin niya anya ang mga “elite” na may-ari ng mga kumpanyang ito dahil sila lang nakikinabang sa mga bagay na napapakinabangan dapat ng bayan.

Ang Lopez Holding Corporation ay pagmamay-ari ng mga Lopez na may-ari din ng ABS-CBN Corporation, ang pinakamalaking media company sa bansa.

Matatandaang ilang beses nang pinuna ng pangulo ang ABS-CBN dahil sa hindi umano pag-eere nito sa kanyang political advertisement noong election season.

Samantala, hindi naman pinangalanan ni Duterte ang anim na iba pang kumpanya.

Read more...