2 pulis patay sa pamamaril sa police station sa Tanauan City

Dalawang pulis ang nasawi matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Tanauan City sa Batangas.

Ayon sa mga pulis, naganap ang pamamaril dakong alas-10:00 ng gabi ng Miyerkules sa harap ng Tinurik PAC Base sa Barangay Tinurik sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga pulis na sina PO1 Ryan Cedric de Guzman at PO3 Edgar Oba-ob na nasa istasyon pa pulis nang mangyari ang insidente.

Lulan ng isang pulang van, puting van at puting sedan ang mga suspek na hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala.

Matapos paputukan ang police station kung saan naroon sina De Guzman, Oba-ob at isa pang Bendio Valencia, tumakas ang mga suspek papunta sa direksyon ng Barangay Natatas.

Patay agad ang dalawang pulis habang nasugatan naman si Valencia sa pananambang.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis sa naturang pag-atake.

Read more...