Tinupok ng apoy ang aabot sa 60 mga bahay sa sunog na naganap sa Barangay Calamba, Cebu City, Miyerkules ng umaga.
Ayon kay Cebu City Fire Marshal Rogelio Bongabong Jr., natanggap nila ang ulat hinggil sa sunog alas 6:30 ng umaga. Agad naman itong naideklarang under control alas 7:46 ng umaga.
Dalawang anggulo naman ang tinitignan ng fire investigators sa pinagmulan ng sunog.
May mga nagsumbong kasi na ginagamit umanong drug den ang bahay na pinagmulan ng sunog ang ang kandila na ginamit sa pot session ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.
Pero mayroon ding natanggap na ulat ang fire department na may mag-asawa umanong nag-away at narinig ngkapitbahay na nagbanta ang mister na susunugin ang kanilang bahay.
Tinatayang aabot sa P300,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.
Wala namang nasugatan sa insidente.