Ito ay matapos mapatunayang guilty si Reyes sa kasong graft dahil sa umano ay maanomalyang pag-renew sa small-scale mining permits sa lalawigan.
Batay sa 33-pahinang desisyon ng Sandiganbayan 3rd division, “guilty beyond reasonable doubt” ang hatol kay Reyes sa kasong paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Maliban sa hanggang walong taon na pagkakakulong, bawal na ring manilbihan sa anomang pwesto sa gobyerno si Reyes.
Pinawalang-sala naman ng anti-graft court ang co-accused ni Reyes sa kaso na si Adronico Jara Baguyo dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan na guilty ito sa kaso.
READ NEXT
Kim Kardashian at pamilya, magbibigay ng $500,000 na donasyon sa mga nasalanta ng hurricane Harvey
MOST READ
LATEST STORIES