Mga perang nasa sobre mula sa CCT, natagpuan sa kampo ng NPA – Duterte

Muling tinalakay ni Pangulong Duterte ang mga ulat na maaaring naibigay sa National People’s Army ang pondo ng Department of Social Welfare and Development para sa Conditional Cash Transfer (CCT).

Ani Duterte, may mga natagpuang sobreng naglalaman ng pera mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang natagpuan sa isang NPA camp sa ilalim ng pamumuno ni dating DSWD Sec. Judy Taguiwalo.

Pinabulaanan naman ng pangulo na ang report na ito ay mula sa kanya sapagkat hindi naman anya niya ire-reappoint si Taguiwalo kung nawala ang confidence niya sa dating kalihim.

Sa isang pahayag, tinawag naman ni Taguiwalo na “baseless” ang akusayon ng Pangulo.

Ani Taguiwalo, nalulungkot siya dahil nanatili ang tiwala niya sa Pangulo habang hindi na nanatili ang tiwala nito sa kanya hanggang sa huli.

Anya, wala siyang nahawakan na pondo para sa 4Ps kahit piso sapagkat ang pondo ay direktang ibinabahagi sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines sa beneficiaries nito.

Recorded din anya ang mga transaksyon at maaring masuri sa Commission on Audit (COA) na palagiang itinatala ang mga transaksyon sa programa.

Read more...