8 pulitiko sa Central Luzon na umano’y dawit sa ilegal na droga, iniimbestigahan na ng PNP

Sinisimulan na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pagbusisi sa walong pulitiko sa Central Luzon na pasok sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam kay PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa sa 116th anniversary ng Police Community Service sa Camp Olivas, Pampanga, sinabi nito na sa walong pulitiko, lima ay mga mayor, dalawa ang kongresista at isa ang gobernadora.

Ayon kay Dela Rosa, may ginagawa nang validation ang kanilang hanay para matumbok kung sangkot ang mga ito sa ilegal na droga.

Iniwas naman ni PNP Chief si Chief Insp Jovie Espenido na maitalaga sa Central Luzon para magsagawa ng drug operation.

Aniya hayaan na muna si Espenido sa iloilo dahil opisyal naman daw ng PNP Central Luzon ang PNP provincial director ng bulacan na si Sr. Supt. Romeo Caramat na magaling sa mga drug operation

Matatandaang sa panahon ni Caramat, 32 pinaghihinalaang drug personalities ang napatay sa one time big time operation sa Bulacan kamakailan.

Read more...