Bagong appointments kina Lapeña at Gen. Aquino sa BOC at PDEA, malaking tulong sa drug war – Dela Rosa

Isang malaking tulong para sa Philippine National Police (PNP) ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kina General Isidro Lapeña bilang susunod na Commissioner ng Bureau of Customs at General Aaron Aquino bilang bagong Director General ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Dela Rosa malaki ang maitutulong ng dalawa kontra sa operasyon sa ilegal na droga.

Umaasa si Dela Rosa na magiging maganda ang kooperasyon nilang tatlo sa pagsugpo sa bawal na gamot sa bansa.

Kilala aniya niya nang personal sina Lapeña at Aquino na dati raw niyang naging boss sa PNP.

Nainindigan naman si Dela Rosa na hindi kakayanin ng dalawang libong tauhan lang ng PDEA na solohin ang war on drugs.

Kailangan aniyang magtulungan ang lahat ng ahensya ng pamahalaan para tuluyang matuldukan ang problema sa droga.

Read more...