Bautista, pinag-iisipan pa rin kung magli-leave o mabibitiw sa pwesto

Kaunting panahon pa ang hinihingi ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista upang magdesisyon kung magpa-file siya ng leave of absence o magbibitiw sa pwesto dahil sa kinakaharap nitong kontrobersiya ng umanong nakaw na yaman nito.

Mula sa kanyang pahayag, sinabi ni Bautista na hindi kailangang madaliin ang kanyang magiging desisyon dahil may responsibilidad pa umano ito sa COMELEC at sa paparating na Barangay at SK elections.

Batid ni Bautista na patuloy pa rin ang kanyang pag-iisip at pagdarasal para sa tamang desisyon.

Nilinaw rin niya na hindi niya minamasama ang hiling na siya’y magbitiw sa pwesto o di kaya’y magbakasyon muna dahil ito’y parte ng kanyang tungkulin bilang isang public official.

Read more...