Pag-abolish sa PCGG prayoridad ni Duterte

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakdang pag-abolish sa Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Sinabi ng pangulo na isang anti-graft body ang kanyang itatayo kapalit ng PCGG na ang pangunahing tungkulin ay habulin ang mga umano’y nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

Mayroon na rin umano siyang napili na isang babaeng kilala sa pagkakaroon ng mataas na integridad bilang pinuno ng itatatag na ahensiya pero tumanggi siyang sabihin ang pangalan nito.

Noong 1986 ay binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang PCGG para habulin ang mag ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

Mula sa target na $10 Billion, nasa mahigit sa $3 Billion pa lamang ang nababawi ng PCGG sa pamilya Marcos at kanilang mga cronies.

Kinabibilangan ito ng ilang bank accounts, ginto at mga art pieces.

Nauna nang sinabi ni Budget sec. Benjamin Diokno na bigo ang PCGG na gampanan ang kanilang tungkulin sa bayan sa nakalipas na 30 taon.

Bagaman kailangan ang batas para sa pag-abolish ng PCGG, sinabi ni Diokno na naniniwala siyang madali itong magagawan ng paraan ng mga kaalyado ng pangulo sa Kamara at Senado.

Read more...