Patay ang isang lalakeat sampu ang naaresto matapos salakayin ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang shabu tiangge sa Salam Compound sa Barangay Culiat Quezon City.
Ayon kay Supt. Danilo Macerin, hepe ng CIDG-NCR, dalawang bahay sa Brgy Culiat ang ginawang shabu tiangge.
Sa kabila ng pagkasawi ng isang suspek at pagkaaresto sa sampung iba pa, wala namang nakuhang shabu o anomang pinagbabawal na gamot ang CIDG – NCR sa ginawa nitong pagsalakay sa shabu tiangge.
Sinabi ni Macerin naposibleng naitapon na o naitakas ang mga shabu sa lugar.
Nakilala ang mga naaresto na sina Mark Galang; Demety Claude Del Rosario; Susan Corbito; Monaisa Daud; Mona Malang; Junjubir Sawabi; Ismael Domangcag; Jacinto Paragan at Rhadzmar Chua.
Ang CIDG kasama ang iba pang elemento ng PNP ay nagsagawa ng raid sa bisa ng Search Warrants na ipinalabas ni Executive Judge Reynaldo A. Alhambra ng Manila RTC Branch 53 para sa Violation of RA 10591 o Illegal Possession of Firearms.
Maliban sa drug paraphanalia, nakakumpiska rin ng ibat-ibag uri ng baril kabilang na ang isang kalibre 38 revolver; 5 bala ng kalibre 38; dalawang Colt 45; tatlong Bushmaster Caliber 5.56: anim na long magazines para sa Caliber 5.56, dalawang short magazines para sa Caliber 5.56 at 320 na piraso ng bala ng kalibre 5.56; pitong magazines ng M16; 202 rounds ng M16 ammunitions, dalawang 9mm magazines, 38 rounds ng 9mm ammunitions; iba pang ammunition pouches at mga military uniforms.
Kinilala naman ang nasawin na si Emmar Allahon, 26-anyos, na nakipag-agawa ng baril sa miyembro ng SWAT./Jong Manlapaz with reports from Erwin Aguilon
For more photos, click here https://radyo.inquirer.net/769/769