Kopya ng CCTV, hiningi ni Sen. Trillanes para maipakita kung paano nakalusot ang P6.4B na halaga ng shabu sa BOC

Hiniling ni Senador Antonio Trillanes ang kopya ng CCTV sa BOC.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senate Blue Ribbon Committee, hiniling ni Trillanes kay Command Center Chief Capt. Gerardo Gambala ang kopya ng CCTV Camera simula ng maupo ito sa pwesto hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay Sen Trillanes, makikita sa CCTV kung paano nailabas ang container van na naglalaman ng lampas 600 kilos ng shabu na umaabot sa P6.4 bilyon pesos.

Pero sa pagdinig, iginiit ni Gambala na posibleng wala na ang kopya nito dahil every 45 days ay binubura na nila ang kopya ng mga CCTV sa BOC.

Sa kabila nito, nangako naman si Gambala na pipilitin nito na marekober ang naturang kuha ng CCTV at boluntaryong ibibigay sa senado.

Read more...