LTFRB, tinanggal na ang isang buwang suspensyon ng Uber

Pormal nang tinanggal ng land Transportation franchising Regulatory Board (LTFRB) ang isang buwang suspensyon na ipinataw nito sa Uber Systems Inc noong August 14, 2017.

Kasunod ito ng pagbabayad ng Uber ng 190 milyong pisong multa at kumpirmasyon ng ibinigay nitong sustento sa kanilang mga suspindidong mga driver partner.

Kaugnay nito, sinabi ng Uber na umpisa 5:00 ngayong hapon, balik serbisyo na sila at inaasahang makakabalik sa full operation sa mga susunod na araw.

Sa isang maikling pahayag, sinabi ng Uber na handa na silang ulit na magsilbi sa mga Pilipino.

Nagpasalamat din ito sa mga rider at driver na sumuporta sa kanila sa nakalipas na mga linggo.

 

 

Read more...