Ipinaliwanag ng pangulo na isang kinatawan ng mga Marcoses ang nakipag-usap sa kanya para sa nasabing plano.
Ipinaliwanag pa ni Duterte na gusto umano ng dating Pangulong Ferdinand Marcos na bawiin ang Malacañang kaya ito nagtago ng ilang mga bagay na pag-aari ng pamahalaan nang mapabagsak ang Marcos administration.
Aminado ang pangulo na bukas siya sa negosasyon para sa pagsasauli ng mga nakaw na yaman.
Isang dating chief justice at dalawa pang indibiduwal na kanyang pinagkakatiwalaan ang siyang mangunguna sa gagawing pakikipag-usap sa pamilya Marcos ayon pa sa pangulo.
Tiniyak rin ni Duterte na kung anuman ang mabawa ng kanyang administrasyon mula sa pamilya Marcos ay didiretso ito sa kaban ng yaman ng bansa.