Komisyon na ibinibigay sa mga opisyal ng Gobyerno nabanggit sa voice recording ng pag-uusap nina Ginang Robes at napatay na asawa ng pork whistleblower

baligodKabilang ang operasyon ng mga Non-Government Organizations (NGO) at komisyon na ibinibigay sa mga opisyal ng Gobyerno sa nilalaman ng nai-record na pag-uusap nina Ginang Florida Robes at asawa ng isang pork whistleblower na si Chief Insp. Romeo Ricalde.

Kinumpirma ito sa Radyo Inquirer ni Atty. Levito Baligod. Ayon kay Baligod, tumagal ng 30-minutos ang nasabing pag-uusap nina Ricalde at Ginang Florida Robes na misis ni Congressman Arturo Robes.

“May voice recording ni Ginang Robes at Mr. Romeo Ricalde sa operasyon ng mga NGOs at komisyon na ibinibigay sa mga opisyal ng Gobyerno. Nakatago iyon sa cellphone ng napatay na si Mr. Ricalde. Ang laman po cellphone na iyon ni Mr. Ricalde ay isinumite sa NBI at PNP ni Mrs. Ricalde,” ayon kay Baligod.

Si Ricalde ay napatay noong October 26, 2013 ilang buwan matapos ang pakikipag-usap niya kay Ginang Robes.

Hindi naman matiyak sa ngayon ni Baligod kung ang pagpatay kay Ricalde ay may kinalaman sa anumalya.

Umapela naman si Baligod sa mga napangalanang mambabatas sa panibagong pork scam na makipagtulungan na lamang sa imbestigasyon.

Kung ikinakatwiran aniya ng mga mambabatas na napeke ang kanilang pirma ay mas higit na dapat silang makipagtulungan sa Ombudsman.

Read more...