Nasa ika-limang pwesto ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may matindining sitwasyon ng traffic sa buong mundo. Mas umakyat pa ang ranking ng bansa mula sa rank 9 na nakamit noong January 2015.
Sa mid-year report ng website na numbeo.com sa Traffic Index for Country 2015 nasa number 1 na pwesto ang Egypt sa score na 284.51.
Ibinatay ang traffic index sa haba ng oras na ginugugol ng mga residente ng bansa para makapunta sa kani-kanilang mga trabaho, pagtaya sa time consumption dissatisfaction, at ang inefficiencies sa traffic system ng isang bansa.
Kasunod ng Egypt ang South Africa na nasa number 2 na pwesto sa score na 215.34, ang Thailand ang ikatlo – 211.89, ika-apat ang Iran – 202.90 at ang Pilipinas na nasa ika-lima ay nakakuha ng traffic index score na 201.31.
Ang iba pang pasok sa top 10 na mga bansang may matinding sitwasyon ng traffic ang mga sumusunod:
Turkey (198.61) — 6th place
Russia (195.51) — 7th place
India (195.02) — 8th place
Brazil (194.29) — 9th place
Argentina (186.46) — 10th place
Noong buwan ng Enero, taong 2015, ang Pilipinas ay nasa number 9 ang pilipinas mula sa 88 bansa sa Traffic Index sa unang bahagi ng taon.
Ang numbeo.com na inilunsand noong 2009 ay isang private research firm na naka-base sa Serbia.