WATCH: Driver’s license na mayroong 5-year validity, sinimulan nang iisyu ng LTO

Sinimulan na ngayong araw ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-iisyu ng driver’s license cards na mayroong five-year validity.

Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, ang pagpapalawig ng validity ng lisensya sa pagmamaneho ay upang bigyan ng convenience ang mga motorista sa pagkuha ng kanilang lisensya.

Nasa 400 walk-ins ang ia-accommodate ng LTO at ito ay ang mga bagong aplikante at ang mga magre-renew pa lamang.

Samantala, ang mga driver na nag-apply at nag-renew naman ng kanilang lisensya mula pa noong October 16, 2016 hanggang August 25, 2017 ay kinakailangan pang maghintay sa susunod na linggo para sa makakuha ng updated license.

Una nang nag-isyu ang LTO ng driver’s license sa Metro Manila na mayroong 5-year validity ngunit ito ay gawa muna sa papel dahil nagkaroon ng problema sa printing ang ahensya.

April 13, nang iginawad ng DOTr ang ₱830-million na halaga para sa pagbili ng five-year license cards sa Dermalog Identification Systems-CFP Strategic Transaction Advisors-Nextix Inc. Consortium.

Samantala, sinabi naman ni Galvante na inaayos na ngayon ng LTO ang nasa 3.6 million na driver’s license backlog at pinagpaplanuhan na nila kung paano mapapabilis ang pag-iisyu.

Pinaplantasa na rin nila ang mga guidelines para mai-launch na ang bagong lisensya sa kanilang ibang tanggapan sa Region 3, Region 4-A at Region 11 at pagdating naman ng October ay target na nilang maipatupad ito sa buong bansa.

 


 

 

 

 

 

Read more...