Jake Zyrus, kakasuhan ng nanay; MMK damay din sa reklamo

Tila sinira umano ang pagkatao ni Raquel Pempengco, ang ina ni Jake Zyrus na unang nakilala bilang Charice Pempengco, sa inilabas latest episode ng Maalaala Mo Kaya.

Tampok sa episode noong Sabado ang istorya ng buhay ni Jake, mula nang siya ay mag-umpisa bilang si Charice hanggang maging si Jake Zyrus.

Batay sa naging takbo ng istorya, sinasaktan at pinipilit umano ni Raquel si Jake na sumali sa mga singing contest.

Bukod dito, ipinakita rin sa istorya kung paano waldasin ni Raquel ang mga perang ipinapadala ni Jake noong aktibo pa siya sa international music scene.

Pinagsasalitaan din umano ni Raquel ng masasakit na salita si Jake.

Bilang tugon sa nasabing istorya ng buhay ni Charice, pinabulaanan lahat ito ni Raquel at tinawag pang sinungaling ang kanyang sariling anak.

Dahil dito, planong maghain ni Raquel ng reklamong libel laban kay Jake at sa mga nasa likod ng drama anthology ng ABS CBN.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...