Suspek sa pagpatay sa kanyang biyenan sa Maynila itinanggi ang krimen

soco ruel
Kuha ni Ruel Perez

Itinanggi ng suspek na si John Ardian Edquilang na siya ang pumatay sa kaniyang sariling biyenan at kasambahay nito sa Sta. Ana sa Maynila.

Kanina, itinuro mismo ni Edquilang sa mga otoridad kung saan niya iniwan ang sasakyang kaniyang ginamit nang siya ay umalis mula sa tahanan ng mga biktima sa Pasig Line Street, Sta. Ana Manila.

Si Edquilang ang itinuturong nasa likod ng pagpatay sa biyenan niyang si Lucita Menguito na asawa ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) at kanilang kasambahay na si Jennifer Magtulis.

Pero itinatanggi ni Edquilang ang krimen, aniya, nang dumating siya at kaniyang anak sa bahay ng pamilya Menguito ay tinangka siyang atakihin ng kasambahay na si Magtulis, pero naagaw umano niya ang hawak nitong pamukpok.

Sinabi ni Edquilang na nagkaroon ng “struggle” sa pagitan nila ni Magtulis hanggang sa mawalan ito ng malay. Nang hanapin umano niya ang biyenan niyang babae ay nakita niya ito sa kuwarto na duguan at wala nang buhay.

Doon na mabilis na lumabas ng bahay si Edquilang dahil sa pangambang siya ang mapagbintangan sa krimen. “Pumunta ako sa bahay kasama ang daughter ko, pumasok ako doon inatake ako ng katulong. Pagdating namin doon sinugod ako ng katulong from behind. Ang anak ko halos mailaglag ko na para lang mapigilan siya, inagaw ko ang gamit niya na ipapalo sa akin, pinalo ko siya hanggang mawalan ng malay. Pagpasok ko sa kuwarto nakita ko ang biyenan ko na nakahandusay, natakot ako kaya ako umalis,” ayon kay Edquilang.

Ang kulay puti na Honda Jazz na ginamit ni Edquilang ay na-recover sa kanto ng Pedro Gil at Penafrancia sa Maynila.

Read more...