Double murder isasampa sa suspek sa pagpatay sa asawa ng isang DepEd official

crime-scene-e1400865926320Kasong double murder ang kakaharapin ng suspek sa pagpatay sa misis ng opisyal ng Department of Education (DepEd) at kanilang kasambahay sa Sta. Ana Maynila.

Natagpuan na duguan at wala nang buhay ang ang mga biktimang sina Lucita Menguito, misis ni Dr. Ponciano Menguito, assistant regional director ng DepE-NCR at Jennifer Magtulis , 18- taong gulang at stay-in kasambahay.

Nakitaan ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima, na posible rin umanong hinampas ng matigas na bahay sa kanilang ulo dahil parehong basag ang bungo ng mga ito.

Sa isinagawang follow-up operation ng MPD, naaresto ang suspek na si John Adrian Edquilang – 37 anyos, isang negosyante at manugang na lalake ng mag-asawa.

Batay sa ulat ni PO3 Bernardo Cayabyab , may hawak ng kaso, nakita si Edquilang na pumasok sa bahay at lumabas na nagmamadali, sumakay sa kotse at ni-hindi nito naisara ang gate ng bahay.

Naaresto siya sa bahay nito sa Molave Avenue , Molave Park Merville, Paranaque City. Bago ang krimen nakapagtext pa umano si Mrs. Menguito sa kanyang mister at pinapauwi na ito.

Posible umanong personal na alitan sa pamilya ang motibo sa pamamaslang. Hanggang sa ngayon naman ay tikom ang bibig ng suspek kung bakit niya nagawa ang krimen.

Read more...