Lacson, tiwala na gagawin ni Espenido ang tama sa kaniyang paglilipatan

Kumpyansa si Sen. Panfilo Lacson na alam ni Chief Insp. Jovie Espenido ang dapat niyang gawin matapos siyang italaga sa Iloilo City.

Ayon kay Lacson, sa kabila ng mga nakalilitong marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte, hawak ni Espenido ang responsibilidad para pairalin ang batas at sundin ang rules of engagement sa lugar kung saan siya madedestino.

Dahil nakatrabaho niya noon si Espenido, malaki ang tiwala ni Lacson na matuwid na pulis ang bagong hepe ng Iloilo.

Itinalaga ni Pangulong Duterte si Espenido sa Iloilo City na una na niyang itinuring na “Visayas drug bedrock.”

Read more...