Ayon kay AFP spokesman Brig. General Restituto Padilla, maliban sa panawagang pagpapalakas ng pwersa ng Maute, malaking kabawasan din aniya ang pagkamatay ni Cayamora sa isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa kinalaman nito sa gulo sa Marawi City.
Sa ngayon hindi raw niya matukoy kung naibigay lahat ni Cayamora ang mga kakailanganing impormasyon ng mga otoridad
Sinabi pa ni Padilla na maari din gamitin ng Maute brothers ang pagkamatay ng kanilang ama sa sitwasyon ngayon sa Marawi na posibleng mapabilis na matapos ang gulo o mas bumagal pa
Sa kabila ng mga pangambang ito tiniyak ni Padilla na nakahanda ang AFP sa anumang susunod na hakbang ng mga terorista.