Matatandaang inaresto siya ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) noong August 15 sa bisa ng warrant na inilabas ng korte dahil sa kasong rape laban sa kaniya.
Ayon kay Aguirre, inilipat siya alinsunod sa mga kautusan ng korte, at wala namang pagpipilian ang NBI kundi sundin ito.
Pumayag naman aniya ang NBI sa paglilipat ng kustodiya kay Dong dahil wala naman silang nakikitang anumang banta sa kaniyang seguridad.
Samantala, isa rin si Dong sa mga testigo sa imbestigasyon ng Kongreso tungkol sa pagkakapuslit ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa bansa.
Si Dong ay hinihinalang middleman ng nasabing shipment, kaya isa rin siya sa mga respondents ng mga kasong may kinalaman sa iligal na droga na isinampa ng NBI sa Department of Justice (DOJ).