Iloilo City mayor, binalaang itigil na ang pagprotekta sa drug lords

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na putulin na ang mga koneksyon niya sa iligal na droga.

Ayon kay Duterte, mas maiging itigil na ni Mabilog ang pagiging protektor ng drug lord, ngayong wala pang nangyayari.

Inulit naman ni Pangulong Duterte na kabilang si Mabilog sa mga pulitikong nasa kaniyang drug list.

Giit ni Duterte, kung poprotektahan ni Mabilog ang mga drug lord ay parang isa na rin siya sa mga ito.

Aniya pa, para sa mga opisyal ng gobyerno na hindi kuntento sa kanilang mga sweldo, mas malaki ang kita sa kalakalan ng iligal na droga.

Gayunman ipinaalala niya na oras na gawin ito ng mga empleyado ng pamahalaan ay kamatayan ang kapalit nito.

Samantala, naitalaga na rin si Chief Insp. Jovie Espenido bilang bagong hepe ng Iloilo City Police Office.

Read more...