2 armadong lalaki, patay sa engkwentro sa Isabela

Dalawang armadong lalaki ang patay matapos makipagbakbakan sa mga sundalo sa bayan ng San Mariano sa Isabela, sa loob lang ng limang minuto.

Naka-engkwentro ng mga tauhan ng Philippine Army 86th Infantry Battalion ang grupo ng mga kalalakihan sa Sitio Lumalog sa Brgy. Cadsalan.

Rumesponde kasi ang mga sundalo sa mga ulat na may ilang mga armadong lalaki ang nagbabahay-bahay sa kanilang komunidad para manghingi ng pera at pagkain.

Ayon kay 86th IB commander Lt. Col. Jose Vladimir Cagara, hinala nila ay mga komunistang rebelde ang kanilang nakabakbakan.

Ang mga nasawi na armadong kalalakihan ay may mga bitbit na shotgun at isang rifle.

Dinala naman na ang mga bangkay ng dalawa sa isang punerarya para maisagawa ang autopsy sa mga ito.

Read more...