Sa kanyang Senate resolution 474 na ihinain ni Senador Antonio Trillanes, hiniling ng mambabatas na imbestigahan rin ng Committee on Ways and Means na pinangungunahan ni Sen. Sonny Angara, ang posibleng paglabag ng mga opisyal sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Hiwalay pa ito sa isinasagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa isyu naman ng pagkakapuslit ng P6.4 Billion shabu shipment sa BOC.
Paliwanag ni Trillanes, aabot sa bilyong pisong halaga ng pera ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa katiwalian sa revenue-generating agency ng gobyerno.
Dagdag ni Trillanes, sang-ayon sa global financial integrity ng bansa noong 2004, umabot sa P19 Trillion ang nawala sa gobyerno mula 1960 hanggang 2011 dahil sa smuggling at katiwalian sa importation.