Mga magulang ni Kian Delos Santos pinulong ni Duterte sa Malacañang

Photo: Sec. Bong Go

Personal na nakipagpulong si Pangulong Duterte sa mga magulang ng 17-anyos na si Kian delos Santos.

Sa impormasyon mula sa Malakanyang, ang pulong ay isasagawa sa Palasyo ngayong hapon pero hindi pa tiyak kung anong oras.

Mismong ang mga magulang ni Kian na sina Zaldy at Lorenza ang humiling na makausap ng personal si Duterte.

Si Kian ay napatay sa isang anti-drug operations sa Caloocan City kamakailan.

Ayon kay Duterte, marapat na managot ang mga pulis kung mapatunayang may pang-aabuso o maling nagawa sa operasyon.

Si Kian ay isa lamang sa libu-libong indibidwal na nasawi sa kasagsagan ng war againts drugs ng Duterte administration.

Kasama rin sa pulong sina Justice Sec. Vitaliano Aguirre, Public Attorneys’ Office Chief Percida Acosta at Volunteer Against Crime and Corruption Founding Chairman Dante Jimenez.

Read more...