Mga magsasaka, pinagtatanim ng ‘drought-tolerant’ na uri ng palay

el-ninoHinikayat ng Philippine Rice Research Institute (PRRIC) ang mga magsasaka sa bansa na magtanim ng mga ‘drought-tolerant’ na uri ng palay.

Ito ay upang mabawasan ang matindining epekto ng El Niño sa rice production sa bansa.

Ayon sa PRRI, maraming mga uri ng palay na pwedeng gamitin ng mga magsasaka sa panahon na kulang ang suplay ng tubig sa mga sakahan.

Kabilang sa mga uri ng palay na tinutukoy ng PRRI ang Pagsanjan, Tubigan 3 at Tubigan 10 na sa loob lamang ng 106 hanggang sa 108 na araw ay maaari ng anihin.

Ang mga ‘dought-tolerant’ na uri ng palay naman ay ang Sahod Ulan, Rio Grande at Sacobia.

Para naman sa mga upland areas o sa mga bulubunduking lugar, inirerekomenda ng PRRI ang mga uri ng palay na Pasig, Apo at Katihan 1.

Sinabi ng PRRI na kung ang mga ganitong uri ng palay ang maitatanim ng mga magsasaka ay hindi gaanong maaapektuhan ng El Niño ang rice production at maiiwasan ang kakapusan ng suplay ng bigas sa bansa.

Read more...