Police Chief Espenido sa kanyang bagong assignment: “God’s will”

Inquirer Photo | Nestor Corrales

“God’s will!”

Ito ang pahayag ni Police Chief Inspector Jovie Espenido matapos ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakatalaga sa kanya bilang bagong hepe ng pulisya sa Ilo-Ilo.

Sa panayam kay Espenido, ang mangyayari sa kanyang pamumuno sa Ilo-Ilo police ay God’s will dahil dahil naman sa kanya nakasalalay ang buhay ng mga tao, lalo na ang mga sabit sa ilegal na droga.

Apela naman ni Espenido sa mga dawit sa droga sa Ilo-Ilo gaya ni Mayor Jed Mabilog, itigil na raw ang operasyon ng illegal drugs.

Nang matanong naman kung may mensahe siya kay Mayor Mabilog, ang sagot ni Espenido ay simpleng “regards!”

Pagtitiyak ni Espenido, kanyang gagawin ang lahat ng makakaya para sa bagong assignment.

 

 

 

 

Read more...