Pangulong Duterte, dinipensahan ang pagtatalaga kay Espenido sa Ilo-Ilo

Inquirer File Photo | Richard Reyes

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pagkakatalaga ang Police Chief Inspector Jovie Espenido sa Ilo-Ilo.

Sa isang ambush interview sa Libingan ng mga Bayani, sinabi ni Duterte na isang ‘dedicated man’ si Espenido at alam nito ang batas.

Mabuti aniyang maipatupad din sa ibang lugar ang mga nagawa ni Espenido upang masawata ng ilegal na droga.

Sa talumpati ni Duterte sa National Heroes Day celebration, inanunsyo nito na kanyang itatalaga si Espenido bilang hepe ng pulisya sa Ilo-Ilo.

Pero paalala ng presidente kay Espenido, sumunod pa rin sa rules of engagement at tiyaking matutupad ang kailangan sa performance of duty.

Pahayag ni Duterte, si Espenido raw ang humiling na ma-assign sa Ilo-Ilo.

Matatandaan na pinamuan ni Espenido ang hanay ng pulis sa Albuera, Leyte kung saan nasawi ang alkaldeng si Rolando Espinosa, habang nang ma-assign sa Ozamis, nasawi naman si Mayor Reynaldo Parojinog, asawa nito at iba pa.

Sa Ilo-Ilo na susunod na assignment ni Espenido, namayagpag si Mayor Jed Mabilog na sinasabing sangkot din sa operasyon ng droga at kasama sa narcolist ni Duterte.

 

 

 

 

 

 

Read more...