Bahagi ng Roxas Blvd. isasara bukas para sa fun run ng PMI College

Roxas-BoulevardInabisuhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang mga motorista sa pagsasara ng bahagi ng Roxas Boulevard bukas ng umaga, Sabado Agosto 5.

Sa abiso ng MDTEU, mula alas 5:00 ng umaga, isasara ang southbound lane ng Roxas Boulevard mula sa Katigbak at P.Ocampo para sa isasagawang fun run ng Philippine Maritime Institute College.

Ayon sa Traffic Enforcement Unit ng Maynila, magpapatupad ng re-routing para sa mga sasakyan na dadaan sa southbound lane ng Roxas Boulevard.

Lahat ng sasakyan na galing sa northern part ng Maynila o sa bahagi ng Pier Zone ay kakaliwa sa P. Burgos, kakanan sa Ma. Orosa, kakanan sa TM Kalaw, kaliwa sa MH del Pilar, kaliwa sa Quirino, kakanan sa Mabini patungong FB Harrison o ‘di kaya ay gamitin ang kahabaan ng Taft Avenue patungo sa destinasyon.

Lahat naman ng sasakyan na mula sa westbound lane ng Quirino ay pinapayuhang kumaliwa sa Adriatico, kakanan sa P.Ocampo, kaliwa sa FB Harrison patungo sa destinasyon.

Hindi naman tinukoy sa abiso ng MDTEU kung gaano katagal mananatili ang road closure sa nabanggit na bahagi ng Roxas Boulevard.

Read more...