Natagpuan ang isang bangkay ng lalaki sa tabi ng basurahan sa kahabaan ng Ninoy Aquino Highway, Brgy. San Dionisio, Parañaque City.
Ayon sa isang saksi na si Joselito Samonte, isang mangangalakal, bandang 12:45 ng madaling araw, nakita nila ang isang kotse na tumigil at umatras doon sa lugar.
Nakarinig na lamang umano sila ng kalabog na tila may ibinagsak na basura.
Noong una umano ay inakala pa nila na nakatulog lamang ang lalaki dahil sa sobrang kalasingan pero nagulat sila nang makita na halos matatanggal na ang ulo nito matapos gilitan ng leeg.
Narito ang ulat ni Cyrille Cupino:
MOST READ
LATEST STORIES