President Donald Trump, magtutungo sa Texas

Credit: Houston Police

Bibisita si U.S. President Donald Trump sa Texas sa Martes, para personal na alamin ang tulong sa mga nasalanta ng Hurricane Harvey.

Ayon kay White House press secretary Sarah Huckabee Sanders, nakikipag-ugnayan na sila sa state at local officials hinggil sa gagawing pagbisita ng U.S. president.

Hindi pa rin pinal ang eksaktong lokasyon, pero may mga lumabas na impormasyon na hindi lalapit ang pangulo sa storm zone.

Ayon sa mga impormasyon mula sa White House, maaring sa bumisita sa San Antonio si Trump pero iiwasan umano nito ang mga lugar na labis na binaha sa Houston.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Trump na nais niyang magtungo sa Texas sa lalong madaling panahon.

“I will be going to Texas soon as that trip can be made without causing disruption,” ayon kay Trump sa kaniyang tweet.

Samantala, umabot na sa lima ang nasawi at hindi bababa sa 12 ang nasugatan dahil sa Hurricane Harvey.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...