Bagong bagyo sa labas ng bansa, binabantayan ng PAGASA

Isang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayan ng PAGASA.

Mahina pa ang bagyo at isa pa lamang tropical depression na huling namataan sa 2,590 kilometers east ng extreme Northern Luzon.

Bagaman may tsansa na pumasok ito ng bansa, sinabi ng PAGASA na hindi naman ito tatama sa kalupaan.

Sa ngayon, tanging ang intertropical convergence zone ang naka-aapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Dahil dito, ayon sa PAGASA, magiging maganda ang panahon sa bansa ngayong linggo.

Ngayong araw, mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan ang mararanasan sa Visayas, Bicol region, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula dahil sa thunderstorm.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na mayroong isolated light to occasionally heavy rains ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

 

 

 

 

 

 

Read more...