Pilipinas, nakakuha na ng mahigit 100 medalya sa 2017 SEA Games

(AP Photo/Ivan Sekretarev)

Patuloy na umaani ang mga atletang pinoy ng mga medalya sa nagaganap na 2017 South East Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa pinakahuling tala Linggo ng gabi, nakakakuha na ang bansa ng 105 medalya sa palaro.

Dalawampu’t dalawa rito ay gold medals, 28 naman ang silver at 55 ang bronze medals.

Kabilang sa mga huling nanalo sa mga palaro kahapon ay sina Carlo Biado at Chezka Centeno na kapwa nag-uwi ng ginto para sa men’s at women’s 9 Ball Pool Singles.

Samantala, nagwagi rin ng ginto sina Mariya Takayashi para sa Judo Womens’ Under 70 kg at Morrrison Samuel Thomas Harper ng Takewondo Men’s Kyorugi Under 74kg.

Nagdiwang din ang fans ng Former Olympian na si Michael Martinez matapos itong manalo ng silver medal sa men’s individual figure skating sa SEA Games.

Read more...