North Korea, muling nagpakawala ng ballistic missiles

AFP Photo

Muling nagpalipad ng 3 short-ranged ballistic missiles ang North Korea ayon sa US military isang linggo matapos purihin ni US Secretary of State Rex Tillerson ang bansa sa paghuhunos dili nito.

Pinalipad ang missiles kasabay ng pagsasagawa ng military exercises ng Estados Unidos at South Korea.

Ayon sa US Pacific Command, ang mga missiles ay pinakawalan sa Kangwon province kung saan ang una at ikatlong missile ay pumalya sa paglipad.

Samantalang ang ikalawa naman ay nagkapiraso-piraso agad sa himpapawid nang mai-launch.

Tiniyak naman ng US defense officials na hindi pa ring maituturing na banta sa seguridad ng North America o maging sa Guam ang pagpapakawala ng missiles ng NoKor.

Samantala ayon kay Japanese Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga, ang mga pagsasagawa ng missile launch ng NoKor ay hindi naman direktang makakaapekto sa seguridad ng Japan at wala sa tatlong pinalipad ang umabot sa territorial waters at exclusive economic zone ng bansa.

Read more...