Jake Zyrus, tinawag na sinungaling ng sariling ina

Tinawag na sinungaling ng sariling ina ang kanyang anak na si Charice Pempengco o mas kilala na ngayon bilang Jake Zyrus.

Matapos ang Maalaala Mo Kaya kagabi, sinabi ni Raquel Pempengco na pawang kasinungalingan ang napanood niya sa nasabing episode.

Ayon pa kay Mrs. Pempengco, walang katotohanan ang pagkakalarawan sa kanya sa life story ni Jake Zyrus na ginampanan ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla.

Dagdag pa ni Mommy Racquel, ipagdarasal na lamang niya ang kanyang nakakatampuhang anak.

Idiniin ng ina ni Jake Zyrus na wala siyang dapat ikahiya dahil alam niyang ginampanan niya nang tama ang pagiging ina sa kanyang anak.

Trending topic naman sa Twitter Philippines ang #MMKJakeZyrus at Charice Pempengco dahil sa naturang episode na ipinalabas kagabi.

Read more...