Bagyong ‘Jolina’, nakalabas na ng PAR

Photo from PAG-ASA DOST

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong ‘Jolina’.

Sa pinaka-huling update mula sa PAG-ASA kaninang alas-siyete ng gabi, namataan ang bagyo sa layong 330 kilometers Kanluran Hilagang-Kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 80 kph malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 95 kilometers per hour.

Kumikilos ang Bagyong ‘Jolina’ sa direksyong Hilagang Kanluran sa bilis na 24 kph.

Dahil dito, inialis na ng pagasa ang lahat ng tropical cyclone warnings sa lahat ng lugar sa bansa.

Pero kahit pa nakalabas na ng par ang Bagyong ‘Jolina’, mananatili namang maulan ang ilang lugar sa Ilocos Region, Zambales, Bataan at Metro Manila dahil sa umiiral na thunderstorms.

Read more...