Gilas Pilipinas wagi kontra Indonesia; gold medal nasungkit

CONTRIBUTED PHOTO

Muling namayagpag ang mga pinoy sa Basketball court.

Ito ay matapos masungkit ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya sa katatapos lamang na laban nito kontra Indonesia.

Tinambakan ng Pilipinas ang Indonesia sa iskor na 94-55.

Mistulan pa ngang hindi pa ginaganahan ang Gilas sa unang bahagi ng laro at pinalitan pa ang player na si Christian Standhardinger.

Ngunit nag-init ang Gilas mula sa 2nd quarter at tuloy-tuloy nang tinambakan ang kalabang bansa.

Ito na ang ikalawang beses na tinalo ng Gilas ang Indonesia at pang-18 beses na dinomina ng koponan basketball court sa buong South-East Asia.

Pinangunahan nina Mike Tolomia at Kobe Paras ang Pilipinas matapos magtala ng 20 at 14 na puntos.

Ito na ang ika-18 gintong medalya ng Pilipinas sa 2017 Sea Games.

Read more...