Panibagong silver medal, nasungkit ng Pilipinas sa 2017 Southeast Asian Games

Inquirer.net file photo

Nakapag-uwi ng panibagong medalya ang koponan ng Pilipinas sa 2017 Southeast Asian Games.

Nasungkit ng Pilipinas ang silver medal sa show jumping team event in equestrian na ginanap araw ng Sabado, August 26 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nakipagtambal ang mga atletang sina Antoinette Leviste at Joker Arroyo sa tambalan nila Sophia Chiara at Colin John Syquia at nagtapos bilang 2nd placers.

Sila Arroyo at Leviste ay naging parte na din ng koponan ng Pilipinas na nakapag-uwi din ng silver medal noong 2011 Games.

Naiuwi namang ng Malaysia ang gold medal habang Thailand naman ang nakasingkit ng bronze medal.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 17 gold medals, 24 silver medals, at 45 bronze medals na may kabuuang 86 medals ang koponan ng Pilipinas sa 2017 Southeast Asian Games.

Read more...