Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang tatlong dam sa Luzon matapos ang mga pag-ulang dinala ng Bagyong Jolina.
Partikular na sinusubaybayan ng Hydrometeorolgy Division ang mga dam ng Ambuklao at Binga sa Benguet, at Magat Dam sa Isabela.
Apat na gates na ang binuksan sa Ambuklao at Binga Dam. Nagpapakawala ng tubig ang Ambuklao Dam sa bilis na 303 centimeters per cubic seconds, at ang Binga Dam sa bilis na 331.12 centimeters per cubic second.
Ang tubig mula Binga Dam ay dumadaloy sa San Roque Dam sa Pangasinan.
Ayon sa Hydrometeorolgy Division ng PAGASA, binabantayan din nila sa posibleng pagbaha ang dalawang barangay sa Itogon, kung saan dumadaloy ang tubig mula Binga.
Samantala, isang gate naman ang binuksan sa Magat Dam kung saan dumadaloy ang tubig sa bilis na 809 centimeters per cubic second.
Pinayuhan naman ng PAGASA ang mga residente malapit Magat River na huwag munang bumalik sa kanilang mga tahanan.