Tumaas ang presyo ng langis sa unang tatlong araw ng bentahan nito sa merkado ngayong linggo.
Sa monitoring ng Department of Energy (DOE) may mahigit na pisong pagtaas sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene.
Dahil dito, inaasahang mapuputol na ang serye ng rollback na ipinatutupad ng mga kumpanya ng langis nitong nakalipas na ilang linggo at sa halip ay magpapatupad naman ang mga ito oil price hike.
Dahil sa ipinatupad na serye ng rollback mula pa noong nakaraang buwan ay umabot na sa P6 ang nabawas sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Umaasa naman ang DOE na makakapagtala pa ng pagbawi ang presyo ng langis sa huling dalawang araw ng bentahan sa merkado para maudlot o ‘di kaya ay mabawasan man lamng ang halaga ng ipatutupad na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.