Ito ay matapos ang naging panawagan ni Hontiveros na mag-inhibit si Aguirre, dahil sa pahayag nitong sinakyan lamang ng mga pulitiko ang pagkamatay ni Kian kaya ito lumaki.
Sagot naman ni Aguirre, dapat lang din na mag-inhibit si Hontiveros sa imbestigasyon ng Senado sa kaso ni Kian at iba pang kaso dahil sa kwestyunable rin aniya ang pagiging patas ng senadora.
Ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta, hindi naman na kailangang mag-inhibit ni Aguirre dahil hindi naman ito kasama sa mga hahawak ng preliminary investigation ng kaso ni Kian.
Ang National Prosecution Service aniya ang may hurisdiksyon at siyang magdedesisyon kung may probable cause ba ang reklamo para dalhin sa korte.