Masuwerte aniya ang mga mambabatas na iyon dahil hindi naging sapat ang findings gn Commission on Audit para bumuo ng kaso laban sa kanila, na mas mahirap nang maisakatuparan pa dahil sa pagbubuwag o pagpapatigil ng mga ahensya ng gobyerno na nagbigay daan sa mga transaksyong ito.
Ani Baligod, marahil ay naibaon na ang mga ebidensya laban sa mga kasalukuyan at dating mambabatas kasabay ng pagsasara ng mga ahensya.
Ang mga sinasabing ahensya ni Baligod ay ang Philippine Forest Corporation (PFC), ZNAC Rubber Estate (ZREC) at ang National Agri-Business Corporation (Nabcor) na ipinasara ni Pangulong Aquino noong 2013 dahil sa report ng COA na nagpatunay na sangkot ang mga ito sa pork scam.
Iminungkahi naman ni 1BAP Rep. Silvestre Bello III na dapat magkaroon ng truth commission para habulin ang 74 na mambabatas na dapat makasuhan, at pati na rin ang mga nabit naman sa mga anomalya sa administrasyong Aquino.
Para naman kay Gabriela Rep. Luz Ilagan, hindi dapat tumigil ang Office of the Ombudsman sa pagiimbestiga at pagsasampa ng kaso sa nasabing 74 na mambabatas dahil kapag hindi sila napanagot, malamang ay tatakbo pa rin ang mga corrupt na opisyal at patuloy na pagnanakawan ang bayan.