Ito ang sinabi ni Binay sa isang dialogue sa mga negosyante sa isang Wallace Business Forum na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel.
Aniya, kailangang magmula sa kanyang hanay ang pinakamagagaling, at pinakamatatalinong mga lider sa kani-kanilang larangan, kasama ang malawak na karanasan sa serbisyo publiko.
Idinagdag pa niya na maaari din siyang kumuha sa mga datihan at batikan na sa larangan ng pulitika.
Binatikos din ng pangalawang pangulo ang pamamahala ni Pangulong Benigno Aquino III dahil aniya sa imbes na pinili nya ang mas may kakayahang mamuno, kaysa sa mga kaibigan niya at kaalyado mula sa Liberal Party (LP) ang ipinuwesto.
Dating miyembro ng gabinete si VP Binay ni Pangulong Aquino, bilang presidential adviser for overseas workers affairs, at pangkalahatang housing chief.