Orange rainfall warning, itinaas sa Zambales at Bataan

Nananatiling nakataas ang orange rainfall warning sa Zambales, habang nadagdag naman ang Bataan sa mga lugar na nakararanas ng matinding ulan na tatagal sa susunod pang dalawang oras.

Nakasaad din sa 2:00am update ng PAGASA na nakataas naman ang yellow rainfall warning sa Metro Manila, Rizal, Bulacan at Nueva Ecija.

Ibig sabihin nito ay nakararanas, at patuloy na makararanas ng malakas na ulan ang mga nasabing lugar sa loob ng susunod na dalawa pang oras.

Samantala, nakararanas naman ng katamtaman hanggang paminsan-minsang malakas na ulan ang Cavite, Laguna, Batangas, Tarlac, Pampanga at Quezon na maaring tumagal pa sa susunod na tatlong oras.

Read more...