“Jolina,” napanatili ang lakas habang nasa Southern Isabela

Napanatili ng bagyong “Jolina” ang lakas nito habang nasa bisinidad na ng Southern Isabela.

Base sa 2:00am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa San Agustin, Isabela.

Napanatili nito ang lakas ng hangin na aabot sa 80 kilometers per hour at pagbugso na 130 kilometers per hour.

Inaasahang patuloy pa rin itong kikilos sa direksyong Northwest sa bilis na 19 kilometers per hour.

Nakataas pa rin ang tropical storm warning signal no. 2 sa Isabela, Aurora, Quirino, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Benguet, Abra, La Union at Nueva Vizcaya.

Samantala, signal no. 1 naman ang nakataas sa Cagayan kabilang na ang Babuyan group of islands, Apayao, Nueva Ecija, Pangasinan, and Northern Quezon kabilang ang Polillo island.

Ayon pa sa PAGASA, makararanas ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang mga lugar na sakop ng 300 kilometer diameter ng bagyong Jolina.

Katamtaman hanggang paminsan-minsang malakas na ulan naman ang mararanasan sa mga karamihan sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Patuloy na pinapaalalahanan ang mga residente sa mga lugar kung saan nakataas ang signals number 1 at 2 na manatiling alerto sa posibleng pagbabaha at pagguho ng lupa.

Read more...