Heavy rainfall warning, itinaas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

(UPDATE) Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dahil sa patuloy na pag-ulan na hatid ng Habagat na pinalalakas ng bagyong Jolina.

Sa abiso ng PAGASA, nakataas ang yellow warning sa Metro Manila, Bataan, Zambales, Cavite, Laguna, Rizal, Northern Quezon, Western portions ng Laguna at Batangas

Babala ng PAGASA, maaring makranas ng pagbaha sa mabababang lugar.

Samantala, light hanggang moderate na pag-ulan na kung minsan ay may malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, nalalabing bahagi ng Laguna, Batangas at Quezon.

Inabisuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa susunod nilang rainfall advisory mamayang alas 11:00 ng gabi.

 

 

 

 

 

 

Read more...