Visayas Grid, inilagay sa red alert ng NGCP

Inilagay na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa red alert ang buong Visayas Grid kaninang 5:30 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi dahil sa nararanasang deficiency mula sa mga planta ng kuryente.

Sa impormasyon na hawak ng NGCP, mayroon lamang na 1,746 megawatt na available capacity ang Visayas grid pero umaabot sa 1,775 megawatt na peak demand.

Hindi daw available ngayon ang ilang unit ng mga geothermal plant na naapektuhan ng lindol sa Leyte at limitadong capacity mula sa mga power plant sa Negros.

Ginagawa na ng NGCP ang mga conventer na sa Ormoc station para makapag-import ng kuryente mula sa Luzon grid.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng NGCP ang publiko na makipag-ugnayan sa mga local Distribution Utilites (DU) nito para sa karagdagang impormasyon.

Posible ding makaranas ng rotational power interruption ang ilang lugar dahil sa generation deficiency.

Read more...