Sa latest weather bulletin mula sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 210 kilometers Southeast ng Casiguran, Aurora.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 95 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 19 kilometers bawat oras.
Itinaas ng PAGASA ang public storm warning signals sa mga sumusunod na lugar:
SIGNAL #2:
- Isabela
- Northern Aurora
- Quirino
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Ilocos Sur
- Benguet
- Abra
- La Union
- Nueva Vizcaya
SIGNAL #1:
- Cagayan
- Babuyan group of islands
- Apayao
- rest of Aurora
- Ilocos Norte
- Nueva Ecija
- Pangasinan
- Northern Quezon
- Polillo island
- Catanduanes
- Camarines Norte
- Camarines Sur
Sa pagitan ng alas 8:00 hanggang alas 10:00 ng gabi mamaya ay inaasahang tatami sa kalupaan ng Isabela-Aurora area ang bagyo.
READ NEXT
Kaibigan, kapitbahay at kaanak, dumalo sa misa at ‘walk of justice’ para kay Kian Delos Santos
MOST READ
LATEST STORIES